Ngayong darating na Miyerkoles, Abril 22 ay ipagdiriwang ang Earth Day. Hindi lang dito sa ating bansa kung di ito ay pansa-daigdigan. Ang buong mundo at ang lahat ng tao ay dapat magbigay halaga sa ating kalikasan na pawang ipinagkaloob sa atin ng Poong Maykapal.
Gusto nating lumanghap ng sariwang hangin di ba? Kaya, hindi pa huli ang lahat para mailigtas ang ating mundo sa pagiging maingat sa mga bagay-bagay na ating gagawin na ikakabuti ni mother Earth.
At sa muli, hindi na kailangang isalaysay pa ang ano ang mga bagay-bagay na ito. 'Ika nga, common sense daw kung ano ang tama at ano ang mali.
Kaya mga kabayan magtulungan tayo na ipigil ang pagkasira ng ating mundo at mapigil natin ang pagtanda ni Inang Kalikasan.
No comments:
Post a Comment