Isang pambihirang fantaserye na naman na ipinamahagi sa lahat ng televiewers ng TFC sa buong mundo at kapuluan. Napahanga ako sa galing ng talento sa pag-arti ni Rio Locsin bilang isang napakadakilang ina.
Sadyang ipinagkait ng tadhana ang kanilang kapalaran o ano man ang dahilan, pawang napakaskit para sa isang ina ang mawala ang kanyang kambal sa piling niya. Hindi mo talaga maiwasan ang mga masasamang elemento sa mundo na ating kinagagalawan.
Ang pagsasadula ay hindi nakakapanabik kung walang bida at kontrabida kung saan ganyan din sa totoong buhay, di ba?
Ang galing talaga ng Pinoy sa larangan ng pag-arti, walang labis at walang kulang.
Oh, anong say mo d'yan? Sige humataw ka na sa tag-araw at huwag kaligtaan ang manood sa mga nag-uumapaw na mga kwentong kababalaghan, nakakatawa at nakakaiyak hatid sa inyo ng kapamilya Dos!
Kung mabigyan man ako ng pagkakataon na makauwi sa aking Inang bayan, kung saan wala pa naman kaming mga haka-haka o plano na nabuo...gusto kong makita ang tunay na mga galaw ng Wowowee. Ayon, mga simpleng pangarap lang sa buhay ang makisabay sa kasayahan sa Dos.
Kapag TFC subscribers, madali ka lang makapasok sa palatuntunan nila at ikaw ang bigatin, 'yon ang sabi ng kaibigan ko...ahe!he! (Napakakimi ng tawa ko ha hindi parang sinaniban ni Satanas. Hala ka, baka tubuan ka n'yan ng sungay o baka umusbong na nga sa magkabilang panig ng iyong ulo...nakakalungkot isipin.)
Sige na nga at medyo may kahabaan na ang nilalaman ng aking pagsasalaysay.
Bilib ako sa galing ng Pinoy!
Ang inyong lingkod
No comments:
Post a Comment